Tablizo
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

My accident

Go down

My accident Empty My accident

Post  alvin Sat Dec 08, 2007 5:58 pm

As I was on the way to work one saturday morning which is Dec 1, 2007 around 0700H 1st day pa naman ng Dec whew! along the national highway of San Pedro Fronting B.P.I near Saint Francis San Pedro. As I was cruising from cabuyao going to Muntinlupa a trike travelling southbound suddenly took u-turn coming from the opposite lane cutting my way. last thing I saw, I knew that I was behind a jeepney and in just a second or so a slow moving trike was fast approaching. boom a loud crash! salpok ako sa trike. sa lakas ng impact kinaladkad ko ang tricycle a few meters, wasak ang buong head light assembly tabingi ang telescopic shocks damay pa ang ehe butas ang pipe sa lakas ng impact tabingi rin ang footrest dami damage halos hindi na makaandar ang pro ko. dahil sa rush hour first instinct ko na kaagad na sa oncoming traffic agad akong tumabi sa kalsada dahil sa hindi ko narealize na malaki pala ang damage sa motor ko eh binitbit ko patabi sa kalsada which is mali! dapat hinintay ko muna ung imbestigador. hantay kami ng police to investigate sa tagal eh tirik na tirik na ang araw eh wala pa mabuti na lang at dumating ang tropa to assist me, kinailangan pa na sunduin ang pulis para lang pumunta sa site.


In my disbelief nagulat ako sa reaksyon ng driver ng tricycle sinisi pa ako sa nangyari and he was arguing na paano na raw sya makaka byahe dahil binangga ko sya, hello duguan po ako, sino ba ang may gusto ng aksidente? at nasasakyan ba ng pasahero ang rear bumper? reklamo ko lang national high-way po ito bawal suppose to be ang trike sa national road dahil alam nating lahat na mabagal ang takbo nila as I was calming manong (Imagine) dahil nagsisigaw na po sya tumawag pa ng mga padrino, I was insisting na paimbestigahan ang nangyari dahil sa kailangan ko ng police report for reference. sumakay si Mr. Imbestigador kay manong papunta sa presinto pagkababa kinausap ako at pinasunod sa opisina nagulat ako sa tanong nya?

Mr. Imbestigador: "sino ang bumangga?"

ang sagot ko naman eh syempre "ako po Sir"

Mr. Imbestigador: "mali mo yon kahit saan tayo makarating isa lang ang tanong sino ang bumangga?" given the circumstances bago ung actual na banggaan eh makatwiran ba tumalon at mag shortcut sa conclusion na kung sino ang bumangga un ang may kasalanan?

naloko na! (naluto na ang kaso sa isip ko) hindi ko naman sya mababangga at wala akong intensyon na banggain sya kung hindi sya nag cut at nag u-turn sa gitna ng national road! gawain ba naman ng nagiisip ung gagawa ng ganun kung may concern sya sa kapwa motorista nya.

kinailangan na pumunta kami sa police precint para dun na magbigay ng statement panay ang tawag ng police "ano gusto mo mangyari?" ayosin na lang natin yan. sa mga pagkakataon na ito naisip ko "yae na" what's the sense luto na ang kaso hinusgahan na ako kaya nga ako nag aatubili na maghanap ng pulis ay para maimbestigahan at para hindi husgahan.


damage sa tricycle ni manong
My accident DSC00108

front shocks
My accident DSC00109

headlight
My accident DSC00110

damaged footpeg
My accident DSC00115

sidemirror
My accident DSC00118

side view
My accident DSC00120

manong habang pangisi ngising nangangatwiran
My accident DSC00123

look closely skidmark from tricycle na gawa ng pag uturn ni manong pasaway
My accident DSC00126

maintenance work kaunting adjustment with the help of trebs and yhel kailangan ito dahil halos ayaw na umandar ang motor dahil sa pag katwist ng front fork at pagkaipit ng pipe
My accident DSC00128

bending ng footpeg & lower support with the help of trebs & his father
My accident DSC00129

assessing the damage by the looks of it maraming pyesa talaga ang kailangang palitan (on the left side ang official drink ni yhel pop! is it)
My accident DSC00130

front skeleton
My accident DSC00131

front view
My accident DSC00132

I hope you learn from the experience if ever may maencounter kayong ganito let him pass o kung hindi na kaya maiwasan just apply brake dont squeeze thoroughly, wag din mag banking to avoid further damage, remember na wala tayong support either left ot right side ng motorcycle may possibility na mapilay, o risk further injury o worst kung iwas sa kanan baka naman may madamay na pedestrian. sa left side naman ay baka mabangga ng oncoming traffic.

alvin

Posts : 2
Join date : 2007-12-07

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum